13 parts Complete NORMAL ACADEMY
Sila ang pinakamatalino sa buong bansa-mga piling estudyanteng may pinakamataas na IQ, pinagsama sa iisang seksyon: Section AB. Sa unang tingin, mukhang normal. Tahimik, marespeto, at palaging top sa klase. Walang sinuman ang mag-aakala na may kakaiba sa kanila.
Pero kapag tumunog na ang huling bell... doon nagsisimula ang tunay na kwento.
Noong una, simpleng katuwaan lang-mga prank, laro, at kabalbalan. Pero habang lumilipas ang oras, ang dating biro ay naging eksperimento. Ang mga hirit ay naging bitag. Ang mga ngiti ay nagtago ng mas madilim na intensyon. Unti-unti, ang mga henyo ng Section AB ay nabaling sa mas mapanganib na laro-larong may buhay ang kapalit.
Ngayon, hindi na sila basta pranksters.
Sila ay mga mamamatay-tao.
Tahimik pa rin silang nag-aaral sa araw... pero pagkatapos ng klase, wala nang batas, wala nang awa.
Kaya ang tanong-
Maghihintay ka pa ba pagkatapos ng klase?
O tatakbo ka na habang may oras pa?
Don't be left in this school alone because there are monsters lurking everywhere, monsters who kill for fun.
(Please support me by voting for this story)