Sana akin ka na lang. Sana mahalin mo din ako. Sana mapansin mo din ako. Pero paano ka magiging akin kung may iba nang nagmamay-ari sa puso mo? Pero paano mo din ako mamahalin kung may mahal ka na palang iba? Pero paano mo din ako mapapansin kung maraming nasa pagitan nating dalawa? Sana pala... hindi ka na lang mapa sakin, sasaktan mo lang ako. Sana pala... hindi na lang kita minahal, nasasaktan mo lang ako. Sana pala... hindi mo na lang din ako mapansin, masasaktan mo lang ako. Hayys, sana pala hindi na lang kita nakilala. Oo, sana hindi na lang kita nakilala. Bwisit na 'sana', sobrang paasa. Ako nga pala si Sannah San, at ito ang aking madramang kwento.