Isang masikap na dalaga. Mataas ang pangarap. Medyo mataas. Nakatira ako sa isang mansyon.Anim na araw sa isang linggo kong pinagsisilbihan ang dalawang binata o bachelor na mga anak- mayaman. Sina Sir Sed at Sir Dave; parehong gwapo, laging mabango,parehong habulin ng mga babae,at pangarap ng lahat ng babae sa buong universe. Ako si Amira.Simple. Hindi raw ako maganda kaya hindi ligawin. Ngunit isa naman akong maaasahan at masikap na kasambahay sa mansyon ng Pamilyang Gallagher . Oo naman pangarap ko din ang isang gwapong lalaking magmamahal sa akin ng tunay ngunit hindi ito ang laman ng isip ko ngayon. Makatapos ng pag-aaral ang mga kapatid ko ang isa sa mga pangarap ko. Syempre tao lang din ako katulad mo , gusto ko rin ng forever love.Gusto ko rin ng Prince Charming, yung palaging bagong ligo, matalino, at yung hindi ka mauumay kahit titigan mo siya mula umaga hanggang gabi. ********** Paano kung nalaman mong mayroong pwedeng magmahal sa iyo ng tunay. Hindi lang pang super model ang guwapuhan,matalino at mayaman din. Hindi ka na ba hahanap ng iba? Maraming tanong sa isip ngayon ng bidang si Amira at lahat ng mga tanong ay naibulong na niya sa halos lahat ng sulok ng mansyon. Ilang taon ang lilipas hindi niya aakalain na makikita pa niya ang kanyang "childhood friend". Ang problema hindi niya alam ang pangalan ng batang lalaking iyon. Paano na?
9 parts