Pagmamahal na totoo, meron pa ba?
Parang mahirap ng magtiwala sa totoong pagmamahal. Mostly, now, people just make fun about it. Yong parang, mabilis na magsawa ang mga tao sa pagmamahal na pangmatagalan. Mabilis na lang para sa kanila ang magpalit agad. Mabilis na mahumaling at mahulog ang loob nila sa isang tao kahit nasa isang relasyon pa sila. Nakikisabay din sa mabilis na pag ikot ng mundo. Sa mabilis na pagdami ng iba't ibang klase ng teknolohiya.
Pero may mga tao pa namang naniniwala sa totoo at tapat na pagmamahal. Ngunit mabibilang nalang sa mga daliri ng kamay at paa. At maswerte ang mga taong nakatagpo ng totoo at tapat kung magmahal.
Kung sana lahat marunong at alam ang salitang kuntento at respeto wala sigurong maraming magdudusa at masasaktan.
Ako si Kate Madrid, isang simple at masayahing tao. Ngunit takot magmahal at magtiwala. Tingin ko sa lahat ng lalaki, pare pareho. Sa umpisa lang, mahal na mahal ka, papangakuan ka, at halos sambahin ka na. Pero kalaunan, iiwan ka ring mag isa at luhaan. Bentang benta na sa akin ang mga scenario na ganyan. At ayokong maging biktima.
Until I met Grey, one night in a bar.
One word I can describe him. GWAPO!
When our eyes met ng di sinadya, pumitik ang puso ko bigla.
Unang beses I felt it sa isang guy. Ngunit ang kung ano mang naramdaman ko ay agad din bumagsak, when I found out that he's in a relationship with a gay. Kaya lang mukhang may LQ ang dalawa, at ang bartender na naroon ang tulay. Sila ang nagsasagutan. Hanggang sa tumayo itong galit at pagewang gewang na umalis. Madami ng nainom.
And then I saw he left his phone and it's ringing. Agad kong dinampot iyon at tumayo. Busy na ang bartender na kausap nito.
Naabutan ko ito sa labas.
I directly handed his phone to him. Pero nagulat ako, imbes na kunin ang phone nito, he pulled me bigla sabay hawak sa aking batok and kissed me!!!!
At tingin ko, magsisimula ng guguho ang aking pangakong hindi magiging biktima ng mapaglarong mundo ng pag ibig.