"Kahit mahal ko siya, hindi ko sila hahayaan na tapaktapakan ang dignidad at pagkatao ko. Ako parin ang legal na asawa." Ano ang kaya mong gawin para sa taong ni minsan hindi ka binigyan ng halaga? Ano ang kaya mong isakripisyo para sa pag-ibig na ni minsan hindi pinaramdam sayo ng taong mahal mo ang tunay na pagmamahal? Makakaya mo kayang manatili sa tabi niya kung puro sakit na lang ang ibinibigay niya? Bakit kailangan mong manatili sa isang relasyon na alam mong sa huli ikaw ang talo? Hanggang kailan? Meet Mandy Rivera Santillan also known as The Unmarried Woman. Nagmahal, nasaktan, bumangon. Martyr sa tingin ng ibang tao. Pero ano bang magagawa niya? Nagmahal lang naman siya ng taong hindi kayang suklian ang pagmamahal niya. Sa mata ng Diyos at sa mata ng batas, pag-aari niya ito pero para kay Marko Lopez Santillan iisa lang ang nagmamay-ari sa kanya at yun ay ang babaeng iniwan siya para sa ambisyon nito. Pero paano kung magbago ang takbo ng pangyayari? Kung kailan sumuko na siya saka lang niya naramdaman ang pag-ibig na ipinagkait sa kanya na matagal na niyang pinangarap at hiniling sa Diyos. Ang tanong may pag-asa pa kayang maayos ang kanilang relasyon na sinira ng kataksilan? Let's see!!! *** Leydeereyhn
88 parts