SYNOPSIS: May ilang mga bagay sa mundo na hindi kayang makita ng mga ordinaryong tao lamang. Hindi dahil sa kapos sila sa kakayahan kundi dahil sa hindi angkop ang oras para makita nila ito. May tatlong Sitio sa isang bayan ang nababalitang may kababalaghang nagaganap. At ito ang kinakailangang makompirma ng mga estudyanteng galing sa isang Kolehiyo sa Maynila. Lumuwas pa ang mga ito papunta sa isang probinsya sa Samar. May isang kaklase silang taga-roon. Mararating kaya nila ang tatlong sitio? Ano nga bang uri ng kababalaghan mayroon ang nasabing lugar? Ang kaklase nilang nagyaya sa kanila na pumunta roon, sino nga ba ito?