Story cover for CHANGE by Misteryooshin
CHANGE
  • WpView
    Reads 100
  • WpVote
    Votes 20
  • WpPart
    Parts 24
  • WpView
    Reads 100
  • WpVote
    Votes 20
  • WpPart
    Parts 24
Ongoing, First published Apr 06, 2020
Para kay Ace Brixton Cuevaz ay walang kwenta ang buhay dahil pakiramdam niya ay hindi naman siya kabilang sa mundong kinatatayuan niya. Bata pa lang ay uhaw na siya sa atensyon nang mga magulang niya dahil masyadong abala sa pagpapayaman ang mga ito. Dahil sa nabubuhay siyang parang hangin o invisible ay natuto siyang mabuhay mag-isa. Walang kaibigan, walang kinakausap maliban kapag kinausap siya. Ngunit ayon sa kanya ay mas masahol pa sa hangin ang papel niya sa mundo dahil ang hangin kailangan para mabuhay samantalang siya ay hindi na.

Walang nakaaalam kung sino siya dahil kahit ang ipakilala ang mga magulang niya ay hindi niya magawa dahil lagi namang wala ang mga ito. Madalas pakiramdam niya ay isa lamang ziyang dekorasyon sa sarili niyang pamamahay. Isang araw, sa kanyang kaarawan ay nagpunta siya sa ilog gaya ng kanyang nakasanayan at doon nagkrus ang landas nila ng isang lalaking nasa likod ng damuhan. Gaya ng lagi niyang ginagawa ay hindi niya ito pinagtuuanan ng pansin ngunit tila pinaglalapit sila ng tadhana matapos maging isang transferee ang lalaking ito at mga kaibigan niya. Ginawa niya ang lahat para layuan ang mga ito kahit pa pilit silang nakikipaglapit sa kanya.

 Ngunit isang araw ay biglang nabago ang buhay niya matapos niyang malaman na nais siyang ipakasal ng mga magulang niya sa babaeng ni hindi man lang niya kilala. Para takasan ang nasabing kasal ay nagsinungaling siya sa babae at sinabing bading siya at may mahal ng iba. Doon nagsimula ang kasinungalingang napagkasunduan nilang panindigan ng lalaking pilit niyang iniiwasan. Nalaman niyang pareho ang dahilan ng kanilang pagpapanggap kaya walang alinlangan siyang pumayag dahil kailangan niya din ito para sa sarili niya.

Isang daang araw..

Isang daang araw ng pagpapanggap nila. Ngunit sa paglipas ng panahon ay unti-unti silang napapalapit sa isa't isa.

Maari kayang maging katotohanan ang isang kasinungalingan sa paglipas ng araw?

Will they be able to change for each other?
All Rights Reserved
Sign up to add CHANGE to your library and receive updates
or
#310maiden
Content Guidelines
You may also like
STRAIGHT by joemarancheta123
5 parts Complete Mature
Ako si James. Lumaki ako sa isang istriktong pamilya. Naikintal sa bubot kong isip ang tama sa mali, ang katanggap-tanggap at bawal at ang pagkutya sa pagkatao ng mga lumilihis sa ating totoong pagkasino. Sa madali't salita, hindi ako nakikisama sa mga bakla at nandidiri akong mailapat ang kahit anong bahagi ng katawan ko sa kanila. Nagbinata akong taglay ang pagkataong iyon. Straight ako. Nagkaasawa at nagkaanak... malayong papatol ako sa mga salot sa buhay ko. Hindi ako manhid lalong hindi din ako tanga. Puno ako ng katanungan at pagtataka. Kakaiba ang trato sa akin ni Xian, hindi yung karaniwang kaibigan lang. Sa kaniya ko naramdaman ang pag-aasikaso at pagmamahal na kahit kailan ay ipinagkait ng aking asawa. Iba ang kaniyang titig sa aking katawan kapag wala akong damit. Napapansin ko din ang lagkit ng kaniyang tingin sa aking harapan ngunit lahat ng paghihinalang iyon ay nanatiling palaisipan lang sa akin. Ngunit sakali mang may gagawin siyang hindi ko magustuhan ay doon na lamang siguro ako tuluyang sasabog. Kahit gaano pa siya kabait sa akin ay isang panlolokong maituturing kung tuluyan siyang bibigay. Basta ang sa akin, barakada ay barkada. Iyon lang ang alam kong kaya kong maibigay. Isa pa, dahil sa kabaklaan namatay si Mama na siyang naging dahilan ng pagkawasak ng aking pamilya. Huwag naman sanang pati ang matalik kong kaibigan ay magiging katulad ni kuya dahil alam kong magiging masalimuot lang ang buhay naming dalawa. NOTE: Read Everything I Have, Chakka at Nang Lumuhod si Father bago ito basahin dahil ang mga naunang nabanggit na nobela ay book 1, 2 and 3 ng nobelang ito.- Joemar Ancheta
✅Wayde Anderson - POSSESSIVE HEIRS 3 [BXB][MPreg] by YuChenXi
9 parts Complete Mature
STATUS: COMPLETED WARNING- matured content... R-18... SPG🔞 BXB Story Ayaw na ayaw niya na minamanipula ang kanyang buhay lalo na ang pakikialam ng kanilang lolo sa kanila. At iyon ang iniiwasan niya.. ang matulad sa sinapit ng kanyang pinsang si Ace na hindi man lang ito nakapili ng kanyang mapapangasawa. Kaya naman hindi na niya hinangad na magmana ng malaking parte sa mga negosyo ng lolo nila dahil ayaw niyang pati buhay niya ay pakialaman nito. Seryuso siya pero hindi masungit. He has a poker face na hindi mo makikitaan ng kung ano ang nasa isip niya. He has everything too. Pero paano kung isang araw ay mabubulabog ang pananahimik niya dahil sa nasaksihan. Isang lalaki ang magpapakamatay at siya lang ang nandoon para mailigtas ito. Hahayaan ba niya ang lalaki sa gusto nitong gawin sa buhay o ililigtas niya? At kung maililigtas ba niya ito kung sakali.. ano ang magiging papel nito sa tahimik niyang buhay? ***** He lost everything. At iyon ang hindi niya matanggap. Kasalanan ba matatawag at ang aminin sa sarili na isa siyang gay? Sabihin sa kanyang mga magulang at lumabas na sa pagtatago ng kanyang tunay na katauhan. Oo, Perth is indeed gay pero itinakwil siya ng kanyang mga magulang at pinalayas sa kanila. Pati kanyang mga kaibigan ay hindi siya tanggap kung ano siya. Pinaksakluban na siya ng langit dahil sa katutuhanang bakla siya at sinasabing salot sa lipunan. Why? Bakit niya kailangang maging ganito kung lahat ng taong nakapaligid sa kanya ay isinusunpa siya? Kaya naman nagpasya na siyang wakasan ang kanyang buhay. He is ready yto end his life para hindi na niya maranasan ang mga masasakit na salita na nanggagaling sa mga taong mahalaga sa kanya. "This is goodbye. Masaya ako na mawawala sa mundong ito dahil naipakilala ko kung sino ako." iyon ang huli niyang mga salita. At handa na siya! Abangan!
You may also like
Slide 1 of 10
STRAIGHT cover
Ano Bakit Paano (COMPLETED) cover
Every Wild Needs Innocent  [C O M P L E T E D] cover
When You Are Here (BL Story) cover
Enchanted to Meet You (BoyXBoy) [√] cover
Crazy In Love With You [BOYXBOY][Completed] cover
I DO cover
Sweet But Psycho| BL (COMPLETED) cover
Fixing a Broken Heart [ COMPLETED! ] cover
✅Wayde Anderson - POSSESSIVE HEIRS 3 [BXB][MPreg] cover

STRAIGHT