How long do you think it will take before two persons confess their love for each other?
The first time they met? A week or a month after? Or forever?
Baka never?
Warning: Ang istoryang ito ang magpaparealize sa inyo na hindi lahat ng nasa wattpad ay madaling ma-fall. (Bawal ito sa marurupok!)
Pinapayuhan ang lahat ng mga mambabasa na maghanda ng pang-google at magbaon ng mahabang pasensya para sa mga bida at mga bida-bida, maaari rin kayong maghanda ng bonamine just in case malula kayo sa ating istorya.
Gusto lang naman niya ang maranasan na mahalin.
Hanggang kailan kaya mong tiisin para sa pagmamahal? Hanggang kailan kaya mong ipaglaban ang iyong pag-ibig na maraming humahadlang? Hanggang kailan mo ipagsiksikan ang sarili mo sa taong ni minsan hindi mo nakitaan na mayroon din siyang pagmamahal sayo katulad ng pagmamahal na nararamdaman mo para sa kanya?
Ang hirap. Iyong lihim mong minamahal ang isang tao at hanggang tanaw ka lang. Nakakapanghina. Kung sabagay, sino ba siya para mapansin at magustuhan ng lalaking gusto niya? Isa lang naman siyang langaw na sampid sa angkan nila.
Ilang taon na ba siyang naninilbihan sa pamilyang Montefalco? Halos isang dikada na. Minahal naman siya ng pamilyang ito ngunit yung pagmamahal na inaasam niya...hindi niya pa naramdaman. Palagi nalang siyang nag-aasam.
Pait siyang napangiti habang nakatanaw sa lalaking matagal na niyang iniibig. Ang lapit lang nila sa isa't isa ngunit nahihirapan siyang ito ay abutin.
Hanggang maid na lang ba ang tingin nito sa kanya?