Noong una hindi ako naniniwala sa true love, love-at-first sight pa kaya? Pero hindi ko alam kung paano, saan, kailan at bakit. Basta ang alam ko lang nang makita ko siya naniwala agad ako. Totoo pala 'yon nababasa at napapanood ko noon na may mararamdaman na lang na parang may iba sayo at hindi mo namamalayan na eto na pala ang pakiramdaman na 'yon eto pala ang tinatawag na love, ganito pala ang pakiramdam kapag totoong nagsasabi ka ng mahal mo talaga ang isang babae. Ang galing di ba? Isang babae lang nagpaniwala sakin nito at hindi pa ang mga taong nakapaligid sakin, siya lang at walang iba. Ang nag-iisang Jewel sa buhay ko.