Ken: Marami ng nai-date si Ken na babae para lang maipakilala sa lolo nya at masabing straight nga sya. Pero sa dinami raming babaeng idinate nya, wala man lang nagtagal sakanya dahil narin sa ugali nyang napakasungit. Hindi nakakapagtiis sakanya ang mga babae dahil sa kasupladahan nito. Habulin rin ito ng mga babae, pero wala syang pake sa mundo. Tinulungan nga sya ng mga tropa nya, sina Stell, Sejun, Josh, at Justin na makahanap ng babaeng pansamantalang magpapanggap na girlfriend nya kapag umuwi na sya sa Zamboanga para ipakilala ito sa lolo nya. Sa di sinasadyang pangyayari, nakilala nya ang babaeng kinaiinisan nya na una nyang nakita dahil sa isang nakakatawang aksidente. Magtatagal kaya ang pagpapanggap nila?