Paano mo maiibibigay ang kasiyahan ng taong nagpasaya sa iyo nung mga oras ng iyong kalungkutan? Paano mo mababalik ang pag-ibig gayong naramdaman mo na kung gaano rin ito kasakit? At paano ka makakatanggap ng pagibig kung hanggang ngayon nagmamarunong ka na nasa puso mo pa rin ang taong nagwasak nito noon? Hanggang kailan ka mag-iisip? Kung kailan nga ba huli na ang lahat? O kung kailan nagsawa na ang taong matagal ng naghihintay sayo? Kailan ka gagawa ng hakbang para sa kanya? Ito ba'y sa oras na nasa tabi na siya ng iba o yung takdang panahon na kailangang mawala na siya sa buhay mo? "Handa na nga ba akong makalimutan ang nakaraan? Kaya ko na nga bang bigyan ng pagasa ang taong dapat sa una pa lang ay pinahalagahan ko na? At handa na rin ba akong itapon ang pinapangarap ko noon? Para sa taong tumulong sakin sa pagabot sa mga pangarap ko ngayon."
27 parts