Ang magkakaibigang sila Brylle, Eunice, Dan, Mae, Andre, Pia, Mitch, Lexter, Billy, Debi, Jane at Levi ay napagkasunduang magbakasyon. Sila ay naging isa sa kabila ng kanilang pagkakaiba.
Tipikal na magkakaibigan, kasiyahan, tawanan, biruan, asaran at galaan.
Plastilan, galit, sama ng loob at sakit na dulot ng bawat isa.
Ang pagkakaibang nabuo ay naghatid ng matibay na samahan, ngunit gaano nga ba katibay ang pagkakaibigang ito.
May mga sikretong nakatago sa likod ng bawat mukha. Mga sikreto na nagdulot ng sakit at galit. Pipiliin kaya nila ang pagkakaibigan? o mas pipiliin nila ang sariling kagustuhan?
Ang pamilya Lovendino ay isang mayamang angkan at iba't-ibang uri ng negosyo ang kabuhayan nila. Madalas ay wala ang mga magulang para mag-hanapbuhay at limang magkakapatid ang palaging naiiwan sa bahay-isang babae at apat na lalaki.
Si Love ang bunso at nag-iisang babae na labis protektahan ng mga barumbadong kapatid na sina Uno, Dos, Tres at Atro. May namumutok na muscles at abs ang apat, gwapo at malakas ang appeal. Si Uno Ezekiel ang panganay na may mahabang buhok at laging naka-ponytail. Si Dos Samuel ang pangalawa na mahilig sa painting at ma-tattoo ang katawan. Si Tres Gabriel ang pangatlo na may piercing sa kaliwang tainga. Si Atro Israel ang pang-apat na may killer smile.
Iba't-iba man ang kanilang mga katangian, iisa naman ang kanilang pinagkakaabalahan-ang makipag-away. Kinatatakutan ang mga ito dahil sa pagiging bad boy at takaw gulo sa probinsya. Walang sinuman ang nais kumalaban sa mga ito maliban sa isa pang bad boy na si Ax-ang mortal nilang kaaway. Walang araw na hindi nakikipag-rambulan ang mga ito at naging suki na rin ng mga presinto. Ngunit sa kabila ng malalaki nitong katawan at tigasin na mga itsura, titiklop din pala pagdating sa pag-ibig.
Tunghayan ang kanilang mga k'wento at kung sino ang mga babaeng magpapatiklop sa mga barumbado.