54 Partes Concluida [HIGHEST RANK:
#1 in Historical Fiction - April 22, 2018
#3 in Historical Fiction - November 14, 2016]
✔COMPLETED
[Currently Editing]
Malaki ang paghanga ni Kristin Lopega sa mga artista at mangangawit ng bansang America. Dahil sa sobra niyang paghanga sa mga ito ay ginagaya nya rin ang pananamit at lifestyle nila. Tinatangkilik niya ang mga produktong banyaga. At dahil lumaki siyang nakahain na ang luho sa harapan ay pabalik-balik siya kung pumunta sa iba't ibang bansa. Kulang na nga lang manatili siya doon ng tuluyan kung hindi lang dahil sa kanyang ina. Ang kanyang mga magulang ay mga kilalang Filipino Historian. Kaya tutol ang mga ito sa kinaaadikan ng kanilang anak.
Bukod sa pagkasuklam niya sa sariling lupang sinilangan, siya rin ay maldita, suplada at mapangmata.
"Alam mo, sana bumalik ka sa mga panahon kung saan isinakrispisyo ng mga bayani ang sarili nila para sa kalayaan," nasabi sa kanya ng kanyang ina ngunit binalewala lamang niya ito at natulog.
Ngunit pano kung paggising niya ay bumalik siya sa taong 1896? At paano kung makilala niya si Antonio Hidalgo, ang gwapong katipunero ng Kataastaasang, kagalanggalangang katipunan ng mga anak ng bayan? Siya na ba ang babago sa isang Kristin Lopega? Siya na ba ang tutunaw sa yelong nakapalibot sa puso ng ating bida?
Date Published: June 12, 2016
Dated Finished: April 18, 2018