Maaring isang malaking advantage ang makita mo ang hinaharap mo. Maaring baguhin mo ang gusto mong mabago. Nakaka-excite nga naman ang malaman ang buhay mo in the future, may ibang nagpapahula, para masatisfy kung ano ba talaga ang kahihinatnan nila sa paglipas ng panahon. Ngunit para sakin isang trahedya sa buhay ko ang makita ang hinaharap ko. Isang bangungut na nangyari sa buong buhay ko. Mula sa kaibuturan ng aking laman at sa puso kong sinsero ang makita at maranasan ang hinaharap ko ay isang malaking... "Sumpa sa pagkatao ko!"