"5 years na sana tayo kaso bumitiw ako eh, masyado akong nawala ang sarili ko sa sobrang pagmamahal sayo" sinasabi ko ang mga katagang ito habang nakatingin sa kalangitan sa lugar na paborito nating puntahan. Btw. Ako nga pala si Georgette "Extina" Arizala, yes limang taon na dapat kami ni "Carter" Sebastian Valdez kaso binitawan ko siya it's been 2 months since the day that I broke up with him, ansakit sa part ko non na hindi nya man lang ako pinigilan pero anong magagawa ko ang hirap para sakin na isuko yung nararamdaman ko pero mas mahirap palang tanggapin para sakin na hinihintay nya lang akong isuko yung nararamdaman ko para sakanya we're happy back then hanggang nagbago lahat nagkaroon ng 3rd party, natuto siyang baliwalain ako, kakausapin at susuyuin lang niya ako kung kailan niya lang gusto, pero for almost 5 years tiniis ko mahal ko eh, diba ganun naman pag mahal mo pilit mong iintindihin kahit wala naman talagang maintindihan, hahanap ka parati ng dahilan para manatili kahit wala naman na talagang dahilan.