Dadalhin tayo ng kwentong ito sa panahon ng mga Kastila sa mga iilang taon bago maisakatuparan ang Maura Law na ibig baguhin ang mga karapatan ng mga Principalia kung saan makikilala ang isang tinuringang baliw na si Corazon sa bayan ng San Antonio Labrador. Ang batas na ito ang siyang magtitigil sa gulo ng mga principales sa lugar na nabanggit. Lilibot ang kwento sa kung anong pakikipagsapalaran ni Corazon sa panahong hindi pa kilala ang kanyang sakit. Hindi baliw si Corazon subalit mayroon siyang multipersonality disorder na hindi pa lubusang napag-aralan sa panahong ito. Nawa'y ikagagalak ninyong makilala ang mabait, masungit, masayahan at tahimik na si Corazon dela Concepcion.