Mayabang at bastos kung ituring ang isang batang hindi iniisip ang sinasabi. Palagi nyang sinasabing 'Wala akong pake bakit sino ba sila?' yan ang palagi nyang sinasabi pag may nababastos sya at may napupuna na di nya nagustuhan. Lalo na pag tungkol sa mga kadugo nya bastusan kung bastusan kung sya ay makipag sagutan. Walang tumatagal na tao sakanyang ugali kaya palagi syang mag isa. Ngunit kaya nya, kaya nyang mabuhay ng sya lang mag isa. She's a kind of a girl na di gugustohin ng mga taong makasama lalo na ang naka paligid sakanya dahil nga sya ay bastos at mayabang ang dating. Lumaki sa magulong pamilya, ingay sa kalsada ang maririnig sa umaga. Kaya wag kang mag taka kung bakit ganan sya. Puro galit ang nasa puso't isip nya, galit sa ingay at galit sa mga taong mayayabang wala namang ipag mamayabang. Oo galit sya sa sarili nya kaya ganan kung makaasta walang paki sa sasabihin ng iba.