The Hills Saw My Sadness
  • Reads 365
  • Votes 88
  • Parts 20
  • Reads 365
  • Votes 88
  • Parts 20
Ongoing, First published Apr 12, 2020
Mature
Nang mamulat ang isipan ni Catalina Margarita Rojas, hawak na ng ibang estado ang kanyang lupang sinilangan. Ang Pilipinas na kanyang kinamulatan ay isang kolonya ng makapangyarihang Estados Unidos. Pagsapit ng ikalawang digmaang pandaigdig, may panibagong banta na naman para kay Catalina at sa libo-libo pang mga Pilipino. Sa pagpasok ng mga panibagong mananakop, si Lina ay magiging kaisa ng mga maraming Pilipino sa pagtatanggol sa inang bayan. Siya ay magiging guerilla. Sa mga bundok ng San Isidro, siya ay malalagi. Ang bawat puno dito ay ang magiging mga piping saksi sa kanyang pangungulila at mga panaghoy. 

Buong tapang siya ay makikipaglaban. Buong lakas ay iaalay niya para sa kanyang mahal na bayan. Kahit pa kaakibat nito ang walang katiyakang bukas at ang walang kasiguradohang may mababalikan pa siyang mahal, si Juan Pablo Dela Vega na isang Haciendero.
All Rights Reserved
Sign up to add The Hills Saw My Sadness to your library and receive updates
or
Content Guidelines
You may also like
Slide 1 of 1
Penultima cover

Penultima

10 parts Ongoing

Lumaking hindi kilala ang tunay na mga magulang, maagang namulat si Leroncillo San Roque sa kalupitan ng mundo. Ngayong nabigyan siya ng pagkakataong maipaglaban ang pagkakapantay-pantay, handa ba siyang isakripasyo ang lahat maatim lang ang hinahangad na tagumpay? *** Mulat sa bulok na sistema ng lipunan, tumatak sa isipan ni Leroncillo San Roque ang kawalan ng hustisya at hindi patas na trato sa mga mahihirap. Bagama't lumaki sa kalinga ng isang prayle, hindi pa rin naging madali ang daloy ng kaniyang buhay. Patuloy pa rin siyang sinusubok ng mga tao, ng pagkakataon, at ng tadhana. Ngayong naipit si Leron sa isang sitwasyon na maaaring magpahamak sa mga taong mahalaga sa kaniya, ano nga ba ang tamang hakbang upang makamit niya ang inaasam na kalayaan at hustisya? Magagawa ba niyang linlangin ang kalaban at mailigtas ang kaniyang amain at mga kaibigan? O mapupunta lamang ba sa wala ang lahat ng kaniyang pinaghirapan? Cover Design by Louise De Ramos