"Lord alam kong mali ngunit di ko na kaya, ako sana ay papasukin mo at tanggapin ng buong puso jan sa iyong kaharian." sana ay patawarin ako ng Diyos sa gagawin ko. Inakyat ko ang nakaharang na bakal at hinayaan mahulog ang sarili sa malalim na ilog. Napaka dilim at napaka lamig, kaparehas ng buhay ko ang tubig, sa halip na mabahala dahil unti unti na akong nawawalan ng malay, nakaramdam ako ng luwag sa aking dibdib na sa wakas makatakas na ako sa malupit na mundo. Unti-unti na akong nauubusan ng hangin at nawawalan na ng ulirat. Sana ay maging masaya na ang lahat sa aking pagka wala. Papikit na ang mga mata ko nang may makita akong maliit na liwanag na unti uniting palapit sakin. Eto na ata ang sundo ko. "Uyy. Nakatulala ka nanaman Hanna. Ano nanaman bang iniisip mo?" pag puna sakin ni Kwin. Kaibigan ko siya simula pa ng Grade 7 kami ngayon nasa Grade 9 na kami. "Nako wala to. Iniisip ko lang yung mga irereview mamayang gabi." Nakangit kong sambit. Ayoko nang ipaalam sakanya ang mga iniisip ko dahil may sarili siyang mga problema at ayoko na maging pasanin pa.