Para sa mga broken-hearted at broken face. Para sa mga Tamod na hindi manlang nabigyan ng pagkakataong maging fetus dahil dumeretsyo na sa sahig ng banyo. Para sa mga fetus na nasa bahay-bata palang ay alam na ang amoy ng nabubulok na sistema ng lipunan. Para sa mga gagong nagpaasa at sa tangang umasa. Para sa mga ahas na hayop, ahas na bes at ahas na bes na dapat nang ituring na hayop. Para sa mga malalanding elemento ng lipunan. Para sa mga buwayang mga politiko na mukhang unggoy kahit kasing laki nang baboy ang tiyan. Para sa mga peke at tunay na pagkakaibigan. Para sa iyo. Para sa kanya. Para sa kanila. Para sa inyo. Para sa akin. Para sa atin. Libro na puno ng kalokohan. Libro na puno ng aral. Libro na puno ng Kalokohang Aral.
3 parts