Tuwing sasapit ang buwan ng Marso, ipinagdiriwang natin ang buwan ng mga kababaihan kasabay din nito ay ang pagpapakilala sa isang kakaibang kwentong ating sisimulan. Isang kwentong sasalamin sa buhay ng maraming mga babae, kwentong mumulat sa ating mga mata't isipan tungkol sa mga kakayahan din ng mga kababaihan na noon pama'y pilit nang binabalewala't isinasantabi. "I am Nicole. Being a woman means so much to me. It's about strength, resilience, and the constant pursuit of our dreams. We deserve to be heard, to be seen, and to achieve anything we set our minds to." Isa itong kwento na bago sa inyong mga imahinasyon at mapag larong mga isipan. Kwentong hahalu-haluin ang inyong iba't-ibang mga emosyon. Kasiyahan at kalungkutan, pagkabigla't galit, pagkamuhi't takot, katapangan at kaduwagan. Isa itong kwento na kung saan nang dahil sa paghihiganti, pagkamuhi at inggit, isa sa mga sampung utos ng Diyos ang masusuway. "HUWAG KANG PAPATAY." Pero, hanggang kailan mo kayang itago ang katotohanan, hanggang kailan mo kayang mag kunwari. Hanggang singgilin ka na ng pinagkakautangan mo? Hanggang isa-isa na sa mga taong mahal mo ang siyang magiging kabayaran? "BUHAY ANG INUTANG, BUHAY DIN ANG SIYANG MAGIGING KABAYARAN!" Isa itong kwento kung papaano makipagpatintero para lamang makaligtas at maisalba ang sariling buhay mula sa nag babadyang kamatayan.. Kwento ng isang babaeng hahamakin ang lahat makamtam lamang ang hustisyang noon pa man niya hinahangad at ipinaglalaban. Kwento ng isang babaeng gagawin ang lahat mapatunayan lamang na, siya ay ako at ako ay siya. Subaybayan ang kakaibang nobelang ito at subukang tuklasin ang mga libo-libong hiwaga't sikretong nakatago sa bawat kabanata ng kwentong ito. "Let me tell you a fact about secrets. Kahit gaano mo man ito katagal itago, it will always come out." "HAHHAHAHAHA!" *************** Siya ay Ako at Ako ay Siya genre: Mystery/Thriller sa panulat ni: Aesira_LavelleAll Rights Reserved
9 parts