Hinagkan niya ang dalaga at nagsimulang tumalikod papalayo. Pero hinawakan ni Maan ang kanyang kamay at hinila ito ng malakas pabalik sa kanya kaya napaatras si Dan at lumingon sa dilag. Laking gulat niya ng pinolupot ni Maan ang kanyang mga kamay sa leeg ng binata at pagkatapos ay hinalikan siya nito. Naramdaman niya ang malambot nitong mga labi sa kanyang bibig at naamoy ulit ang matamis na halimuyak ng hininga ng dalaga. Hinuli ni Maan ang pang-itaas na labi ni Danilo at bahagyang kinagat ito. Di makapag concentrate ang binatilyo sa nadarama. Sobrang lakas ng kuryente sa kanyang katawan at hinihingal siya sa kaba at sobrang ligaya. Lumaki ang mga mata ni Dan sa gulat ngunit nakapikit naman ang kay Maan habang dinidiin pa nang lalo ang mga labi nito at kinukoskos ng dahan-dahan ng ilan pang sandali bago inalis ang kanyang maamong mukha sa mukha ni Dan.
21 parts