Si Alessandra ang anak ng taong pumatay sa ama ni Zac Fuentabella kaya kinidnap siya nito upang paghigantihan. Ikinukulong siya nito sa isang mansyon at inalok na maging sex slave nito sa loob ng dalawang linggo kapalit ng kalayaan niya. Pumayag siya sa gusto nitong mangyari ngunit pagkatapos ng mga namagitan sa kanila ay unti-unti itong nagbago, ang dati'y malamig nitong pakikitungo sa kaniya ay napalitan ng kabaitan. Ayaw man niyang aminin ngunit nahuhulog na rin ang loob niya kay Zac dahil sa mga pagbabagong ipinapakita nito. Pero paano ang masalimuot na nakaraan na nagawa ng ama niya sa ama nito? Kalilimutan kaya ni Zac ang bagay na iyon alang-alang sa pagmamahal?