Kimberly dreams to be a famous singer in the whole world just like her famous artist father. Ngunit sa nangyaring kahihiyan noong bata pa siya ay hindi na siya makakanta sa harap ng maraming tao. Lumaki siya na dala-dala ang traumang iyon. Hanggang sa isang araw ay aksidenteng narinig ni James o Jam ang kanyang boses. Kinuha siya bilang isang recording singer. Kapalit ng pagpayag niya ay itatago niya ang kanyang identity bilang si Mystery Girl. Kasabay ng pagsikat niya ay siya ding pagsikat ng bandang “The Dazzling Punk”, isa sa mga miyembro dito ay ang matalik na kaibigan niyang si Nathan, ang vocalist ng banda. Na walang kaalam-alam na siya pala ang magiging karibal nito sa industriya na parehong ginagalawan nila. Nathan, isang sikat at mapagmahal na kaibigang lihim na umiibig. Sa pagsunod sa kagustuhang maging isang sikat na band artist ay sumali sa audition ng THE NEXT TEEN IDOL. Nanalo at sumikat ang kanilang banda. Simula ng pagsikat ng banda niya ay sunod-sunod ang kanilang mga gigs at offers. Naging abala at nawalan na ng oras para sa kanyang kaibigang si Kimmy. Kapalit ng pagsikat ay ang paghihiwalay ng kanilang landas. Magkru-krus pa ba ang kanilang mga landas? Malalaman kaya ng isa’t-isa ang mga nararamdaman nila. Malalaman kaya ni Nathan na si Kimmy at Mystery Girl ay iisa?