Sleep Tonight (HER series #1)
Magkasama nilang pangarap ang bukas, ngunit bakit tila mas pinili ni Chin na mag-isa?
Sa bawat pag-iwas, bawat pananahimik, at bawat hakbang na palayo, naiwang nagugulumihanan si France sa gitna ng galit at pangungulila. Hindi niya mawari kung saan nagkamali, o kung bakit ang taong pinagkakatiwalaan niya nang buo ay bigla na lamang naging isang estranghera.
How do you heal from a heart break caused by the only person who used to be your safe place?
May mga katotohanang masyadong mabigat dalhin, at may mga pag-ibig na ipinaglalaban nang tahimik sa gitna ng dilim. Some goodbyes are never spoken aloud, leaving behind echoes of a love that was meant to last, but was cut short by time.
Subaybayan ang isang maemosyong kwento tungkol sa hindi masabi-sabi na nararamdaman, ang pait ng paglayo, at ang paghahanap ng kasagutan bago maging huli ang lahat.
A story of unspoken words, hidden sacrifices, and the long journey to finding peace so you can finally sleep tonight.