Tipikal Na Romansa [COMPLETED]
30 parts Complete Maui and Kai grew up sharing a simple, childlike romance born in the quiet corners of their classroom. What started as innocent affection blossomed as they carried those feelings into adulthood. Blinded by love and the comfort of familiarity, they chose to overlook the mistakes and misunderstandings that once lingered in their past. But time has a way of unearthing what was left unresolved.
。゚•┈꒰ა ♡ ໒꒱┈• 。゚
Maureen Kaye Alonzo
Kaiszer Medina
Mula sa isang epic na meet-cute, pagiging mortal na magkaaway, mga nakaw na sulyap, at lumipas na sandali, hanggang sa magkamabutihan, at sabihing "in a relationship" na nang walang eksaktong petsa.
Tipikal. Tipikal na storya. Tipikal na pag-ibig. Tipikal na romansa. Tipikal?
Katulad ng mga pampalasa ni nanay sa kusina-mukha mang iisa, sa katunayan ay iba't-iba ang lasa, hagod, at gayuma nitong dala.
Hindi naman siguro magpapakapagod ang pusong pagal sa isang istoryang tipikal?
Hindi naman yata maga-aksaya ng panahon ang isip na sisirin ang pinakamalalim na dahilan ng karanasang minsan nang natamasa?
At lalo naman sigurong hindi gugustuhin ng kaluluwang humiwalay sa tuwang bitbit ng kwentong maihahalintulad na sa sirang plaka?