Ang bawat tula ay may katumbas na halaga. Nakatago ang iba't ibang kahiwagaan, paghihinagpis, pagmamakaawa, kasiyahan, sakit, paghilom, galak, at iba pang bagay na paksa ng isang makata sa tula.
Nakapaloob sa librong ito ang isang daang tula na sinulat at isusulat ko. Maaring mahalintulad sa inyong sitwasyon ang ilan sa mga tulang ito dahil hindi lamang ito patungkol sa isang paksa kundi sa iba't ibang bagay na aking nakikita o pinagdaanan. Sana'y magbigay ng kasiyahan sa inyo ang mga tulang ito at sana'y makatulong ito sa mga bagay na hinaharap ninyo.
Paalala:
Maaari ninyong gamitin ang mga tulang ito sa mga proyekto at iba pang personal na gamit ngunit kinakailangan ninyong humingi ng permiso mula sa akin. Hindi ko pinahihintulutan ang pag angkin ng aking tula, kailangan ninyo akong bigyan ng "credits" kung gagamitin niyo man ang mga ito. Magbibigay ako ng mga "social media accounts" na aking ginagamit upang inyo akong mapadalhan ng mensahe kung inyo mang gagamitin ang mga tula.
Sa lahat ng makata diyan... #PADAYON
Facebook: Fermin Manejero Jr.
Instagram: @fermanejero
Twitter: FerminManejero
YouTube: Fermin Manejero Jr.
"Republic Act No. 8293"
AN ACT PRESCRIBING THE INTELLECTUAL PROPERTY CODE AND ESTABLISHING THE INTELLECTUAL PROPERTY OFFICE, PROVIDING FOR ITS POWERS AND FUNCTIONS, AND FOR OTHER PURPOSES.