Hindi pa nararanasan ni Rio ang mahalin ng mga taong mahal niya, simula palang sa pagkabata eh wala ng ginawa ang pamilya niya kundi iparamdam sakanya kung gaano siya kamalas na dumating siya sa buhay nila. At dahil sa subrang kabaitan eh hindi niya magawang isipin na unahin ang sarili niya, at magawang magalit sa mga taong sinasaktan siya at dahil din sa wala naman siyang interes sa pagpapaganda ay gagawin siyang pampalipas oras ng mga kaibigan ng lalaking minahal niya at syempre pati narin ng lalaking mahal na mahal niya. Matapos niyang malaman ang lahat ng kagaguhang ginawa nito sa kanya ay may bago namang darating na magliligtas sa kanya at kukunin siya palayo sa mga taong nanakit sa kanya. If you run, you have to say goodbye! For GOOD. -Simon Ngunit hindi na bumalik pa si RIO at patuloy na nga itong umalis. At sa pagbabalik niya ay daladala niya na ang paghihiganting matagal niyang pinaghandaan. Magiging matagumpay ba ang paghihiganti niya at masayang magsasama kasama ang taong nagligtas sa kanya? O Baka bumagsak ulit siya sa taong una niyang minahal ngunit sinaktan lamang siya?
4 parts