Noon pa man ay gustung-gusto na ni Althea ang hunk na si Liam. Ang kaso lang ay may gusto nang iba si Liam, isang babaeng malayo mula sa pamamaraan ni Althea. Liberated, sexy, at wild 'yung babae, samantalang siya ay mahinhin at mahiyain pa. Maganda naman umano siya sabi ng mga pinsan niya pero aanhin naman ang gandang 'yon kung hindi naman siya ang bet ng lalaking bet niya? Nakaisip tuloy ng paraan si Althea na unti-unting baguhin ang kanyang sarili, na maging mas open at mas vocal sa kanyang nararamdaman. Kahit mahirap ay pinilit niyang maging kagaya ng mga babaeng tipo ni Liam. Pero worth it nga ba ang pagbabago sa sarili para lang magustuhan ng taong minamahal mo? Hindi ba't mas okay kapag tanggap ka niya bilang ikaw talaga at kahit na sino ka pa, na hindi mo kailangang maging ibang tao para mahalin ka din niya...