Ang kapangahasan ni Rose ang nagdala sa kanya sa isang malaking panganib. Sa malayong probinsiya at liblib na bayan sa Cotabato hinarang ang kanyang sinasakyang bus ng masasamang loob. Binitbit siya ng mga armadong lalaki na may nakakatakot na pagmumukha. Animo mga buwitreng gutom na nakakita ng karneng pag-aagawan sa katauhan niya. Nanganganib siyang malapastanganan. Subalit sa kabila ng takot ay hindi pinanghinaan ng loob ang dalaga. Napasakamay siya ni Dimitri. Ang lalaking may mala-leon na lisik ng mata. Ngunit Imbis na mas lalong mangamba sa kaligtasan ay natagpuan niya ang sariling nais na mahulog sa mga bisig ng lalaki. 🌹