Una pa lang makita ni Rita si Ken ay bwisit na bwisit na siya dito. Masyado kasing makulit ang binata. Hindi siya tinatantanan nito kahit ilang beses na niya itong itinataboy. Para nga siyang binibiro ng tadhana, dahil kahit saan ay nakikita niya ang makulit na taong iyon. Hindi naman niya maikakailang gwapo si Ken. Malakas ang dating at matalino... pero kahit alam niyang gusto siya nito ay hindi niya ito pwedeng mahalin.. Dahil noon pa man, nakatali na siya sa isang tao... taong kailangan niyang pakasalan. Paano mababago ni Destiny ang mga buhay nila? Paano papagitna ang tadhana sa pag-iibigan ng dalawa? Papagitna nga ba o ang mas magbubuklod sa kanila?? Sama-sama nating alamin ang mga kasagutan sa isang maikling kwento para sa RitKen... ang Destined To Be Yours ☺️