Basta pagsisikapan, tiyak na makukuha ang anumang nais natin! Yan ang pilosopiya ni Katherine sa buhay niya. Kulang na nga ang pader sa bahay nila para pagsabitan ng mga medalya, awards at certificates na nakuha niya magmula nang mag-aral siya. Kaya naman sigurado siya na kailangan niya lang din magsikap para mapansin siya bilang aplikante sa Park Technologies Corporation. Bawat aspeto ng buhay niya ay planado na. Kaya kailangan umayon lahat dito. Ang Park Technological Corporation ay isang multinational company na nagsimula sa Korea. Ngayon ay mayroon na itong higit kumulang sa dalawampung branches kabilang na ang nandito sa Pilipinas na kamakailan lang din nagsimula. Bilang nagtapos si Kath sa kursong business, malaki ang paghanga niya sa CEO nitong si Park Min Jun. Paano ba naman hindi? Isa lang naman siya sa mga binatang na-feature sa Forbes: 30 under 30! A young entrepreneur who revolutionized the world of technology. At lahat yan ay sarili niyang sikap, kahit pa siya ay parte ng isang 'Chaebol' na pamilya. Saktong-sakto at naaayon lang para kay Kath ang panahon na nagkaroon ng hiring for 'Management Trainees' sa PTCorp. Kakagraduate niya lang at confident siya na mapili para sa posisyon. Yun ang kung aayon talaga sa kanya ang mga bagay. At kahit suntok sa buwan na makita niya ang binatang CEO, handa siyang gawin ang lahat para makapasok sa kumpanyang matagal na niyang pangarap mapasukan. Pero paano kung pagtapuin ang landas nila ng CEO na hinahangaan niya? Kamusta kaya ang Katherine na walang sinusukuan? Magagawa pa din niya bang tumanggap ng trabaho kahit wala ito sa plano niya? O pati ang puso niya ay mahulog nang wala sa oras?All Rights Reserved