Is it really true that the mind might forget but the heart would not? Totoo ba na mananatili ang lahat sa iyong puso? Kakayanin nga ba ang lahat ng pagsubok na dumarating, kahit mahirap, kahit masakit at pipiliin mo parin ba ng paulit ulit ang iisang tao dahil alam mo na siya na talaga? You pick that person again and again kasi alam mong sulit lahat at dama mo na masaya ka sa piling niya, nagiging tunay ka kapag kasama siya, komportable at kampante ka sa mga bisig niya at higit sa lahat, tinitibok ng puso mo ang ngalan niya