Naniniwala ako,
Na sa kabila ng mga pagkadurog sa pait ng kahapong sinapit ng pusong handa naman sumugal sa mga pwedeng mangyari, darating ka pa rin sa punto na kahit gaano ka kahanda sa muling pagsuong sa baha, sa sakit, sa mga lapnos, sa mga bubog na susugat sa puso mo. Masasabi mo parin na hindi ka pa talaga handa sa paglisan ng walang dahilan, sa muling pagiisa.
Naniniwala ako,
Na sa kabila ng mga lapnos, bubog, sakit at pighati ng mga muling pagiisa
Kakawala ka sa pait ng kadenang nagkukulong sayo sa kasalukuyan, at ngayon kahit ilang beses kang sugatan ng pluma, susulat ka. Na kahit ilang beses kang madurog sa pagkahulog, magmamahal ka.
Naniniwala ako.
-Ginoong Elay
Sulat lang ka-Unspoken Feelings.
Gagawin ko po ang lahat para makapagupdate every saturday. Salamaaat po sa malawak na pagunawa π
#NoToPlagiarism
This is another poetry compilation entitled 'Isangdaang Tula na Hindi Makalaya'. From the title itself, we can say that this is full of unsaid thoughts that have never been spoken by the person who created this poem, hoping that the 100th piece of poetry will finally set her free. It is about the journey of moving on and forgetting about someone who used to be your home.