Sa kabilang hanggan
Malayong pagitan
Sa sulok, dun ka natagpuan
Mata'y di sinasadyang magkatagpuan
Napaiwas na lamang
Mali na ika'y magustuhan
Hindi pwede, bawal tayo
Magkaiba, ating mga mundo
Sa bawat sulyap, inaasaha'y iyong paglingon
"Imposible", yan ang paniniwala noon
Lumipas ang buwan at napapangiti na lamang ngayon
Baka nga talaga ganon
Baka talagang may tayo sa Kanyang plano
Kahit ilang pag-iwas ang gawin
Mahirap na ang damdami'y pigilin
Hahayaan na lamang masunod, sinasabi ng puso
All Rights Reserved