Dinala siya ng kaniyang mga paa patungo sa mataong lugar na walang kahit na anong parte niyon ang naalala niya mula sa kaniyang pagkatao. Mas ikinakaba niya pa lalo ang katotohanang may mga taong nagmamasid sa kaniya na tila ba hindi titigil sa nakakailang na paninitig hanggang sa hindi siya matunaw. Ngunit noong panahong hinang-hina siya, dumating ang tulong na magiging daan upang maisakatuparan ang isang kahilingan. Tinagurian siyang Magayon dahil sa angking ganda niya. Lahat ng mga mata ay lumuluwa tuwing nagagawi ang tingin sa kaniya. Mga laway na nagsisipagtuluan dala ng labis na pagkamangha. Iyan ang kakayahan ng kaniyang kakaibang ganda na humatak ng atensyon ng karamihan sa mga lalaki. Isa na sa mahabang talaan ng pangalan niyon ay si Lakan Isug. Ano ang kayang gawin ng tunay na pag-ibig? *** Ang kuwentong ito ay nangyari noong Pre-Colonial Period pero hindi kailanman mangangahulugang may isinasagisag itong isa sa mga katutubong pangkat sa Pilipinas at ilagay ito sa kahihiyan. Hinango lamang ngunit hindi nagpapartikular. Nilalaman din nito ang ilan sa mga mitolohiyang nilalang at kontrobersiyal na pananahan ng isang Lakanato sa ating kapuluan. Hango rin sa Alamat ng Bulkang Mayon ang naturang istorya. No copyright infrigement is intended. Credits to the owner of the picture I used. Deviantart, a masterpiece by jujupaints