TEARS OF THE GIRL NAMED SEA
"Sigurado kana ba? Wala ng bawian ito anak."
Tumango ako pagkatapos ay sinara ang malaking maleta. "Wala po Dad. Salamat sa lahat."
"You don't need to say thank you, that's what parents do." Huminga ito ng malalim. "Sandali lang tatawagin ko ang Mommy mo para matulungan ka sa pagiimpake."
Dumating ang araw ng pagalis ko, malungkot akong nagpaalam sa magulang ko. Napagdesisyunan kong hindi gamitin ang ebidensiya at hayaan na ang hukuman ang humusga.
Hindi na rin ako nakaattend ng huling hearing dahil tumapat ito sa flight ko.
----------
"Ma'am you want coffee?" Napabalik ako sa kasalukuyan ng magtanong ang flight attendant.
"No, thank you." Sagot ko.
Napasandal ako sa kinauupuan at napakagat sa labi ng maalala ang naging desisyon ko.
Pinagisipan ko itong mabuti, inaral ko ang posibleng epekto nang magiging desisyon ko. At dun nga pumasok sa isip ko na itigil ito.
Ang dami nang nadamay, nasaktan dahil sa galit ko. Iba talaga kapag galit ka, wala kang makialam kung sino ang matamaan, hindi ko man lang naisip na may pamilya silang walang kinalaman ngunit nasasaktan.
Ayoko nang baguhin ang buhay nila dahil sa pagkakamali na matagal na nilang pinagsisihan. Hindi ako Diyos para magpasya sa kaparusahan nila, kung Diyos nga nagpapatawad paano pa kaya ako.
Masaya akong nakilala sila, lalo na si Lucas binago niya ang buhay ko. Marami siyang tinuro sakin, siguro kung hindi ko siya nakilala nandun parin ako sa point na hinahanap ang sarili ko.
He became my life, my everything. I loved him so f*cking much at umaasa akong magkikita ulit kami pagdating ng panahon.
Kung hindi man... mananatili siyang parte ng nakaraan ko na hinding hindi ko makakalimutan.
⚠WARNING: PLAGIARISM IS A CRIME