"Appa ibili mo naman ako nun!" sabi ng batang babae sa harap ko.
"Oo sige ba!" sabi ng matandang lalaki at kinarga yung bata.
Bigla akong nainggit. Sana ganyan din ang appa ko. Yung malambing, mabait at kung anu man ang hihilingin ko ay ibibigay nya..
Pero hindi eh ..
hindi sya ganun sa akin ..
Sinu ba naman magmamahal sa isang batang katulad ko na bunga ng isang kasalanan ..
bunga ng isang masaklap na nakaraan..
Sampal dito, Suntok dun, Tadyak dun, Mura dito, yun ang lagi kong natatanggap sa ama ko kahit pa limang taong gulang palang ako..
Ni wala man lang ginagawa yung mama at ate ko..
Tinitingnan lang nila ako ..
Pakiramdam ko nag-iisa nalang ako sa mundo walang gusto magmahal sa akin..
Pero simula ng makilala ko sila nag bago ang lahat .. naging masaya, naging makulay, natututo akung ngumiti sa kabila ng nangyari sa buhay ko..
Masaya na sana ngunit panu nalang kung bumalik ang mga tinatawag kong magulang?
Paanu nalang bumalik ulit yung dati?
Panu nalang kung biglang bumalik ang aking kinakatakutan?
Makakaya ko ba ang sakit na mararamdaman ko?