Isang normal na babae lang naman ako na may gusto sa kaisa isa kong bestfriend. Ang saya nga eh, kasi kahit bestfriend lang kami, pareho naman kaming walang jowa. Araw araw ko nga pinagpi-pray na, kung hindi man magiging kami ni Markus, okay lang na maging matandang binata sya. Hehe. Pero sobrang mapaglaro pala ang tadhana. Ang pinagdadasal ko kasi noon, ako na ang mismong gagawa ngayon. Ako na mismo ang magpu-push sa kanyang gustuhin ang isa pang kaibigan ko. Mahal ko sila pareho. Ano ba'ng magagawa ko? I just want them both to be happy. I'm willing to take the risk just for them. Pero, kaya ko ba? Kaya ko bang magparaya? My name is Callie Shay.. this story is about me and... My Possessive Bestfriend