Bakit kailangan mahulog tayo sa taong di naman tayo ang gusto? Maybe. Gusto ka nga nila pero parang destiny na mismo na ang nagsasabi na hindi kayo meant for each other? Sabi nga ng iba, Siguro destined lang kayo magkakilala pero hindi kayo destined para magmahalan. Bakit kailangan ganun kagulo? Hindi ba pwedeng pag mahal mo ang isang tao. Mamahalin ka rin nila pabalik. At tatanggapin ng lahat ng nasa paligid niyo kung ano ang nararamdaman ninyo. Paano kung pareho lang pala kayo nagtataguan ng feelings? Mutual naman pala yung nararamdaman niyo pero pareho kayong natatakot sa mga sasabihin ng nga tao? Bakit? Kasi sikat kayo at iniingatan niyo ang pangalan niyo? Dahil pareho kayong babae? Or baka naman ... Dahil hindi tanggap ng ibang tao ang ganung set up. Bakit kailangan pa nating isipin kung ano ang iisipin ng ibang tao sa atin? Ganyan kahirap magmahal. Pero ngayon isa lang ang alam ko. I'M SECRETLY DEEPLY INLOVE WITH MY BESTFRIEND.
3 parts