Sa mundong ito hindi maiiwasan na makatagpo tayo ng taong magpapaguho ng mundong ating binuo. Taong magpapasaya sa atin ng sobra sa una pero magpapaluha naman din ng sobra sa huling pagsasama. Ito ba talaga iyong sinasabi nilang pinagtagpo pero hindi tinadhana? Kung ganoon ang sitwasyon pwede naman gumawa ng paraan para maging itinadhana pero kapag di na kaya susuko na ba o ipagpapatuloy kahit sobrang lubog na sa kalungkutan at sakit?