Si Tiffany ay nagkaroon ng masakit na karanasan sa kanyang unang pag-ibig kay Carlo, na nagpakitang mahal siya upang makuha ang kanyang mana mula sa kanyang lolo. Dahil dito, nasaktan si Tiffany at nagdesisyong huwag munang magmahal muli. Matapos makapagtapos ng kolehiyo, nakilala niya si Arkin, isang kapwa inhinyero sa kanyang pinagtatrabahuhan. Naging magkaibigan sila at kalaunan ay naging malapit, lalo na nang mapalapit si Tiffany sa anak ni Arkin na si Arian.
Sa kanyang pag-uusisa, natuklasan ni Tiffany na ang ina ni Arian, si Cindy, ay ang parehong babae na pinakasalan ng kanyang dating kasintahang si Carlo. Sa kabila nito, nagpasya sina Tiffany at Arkin na magpakasal. Ngunit sa araw ng kanilang kasal, dumating sina Carlo at Cindy upang manggulo, at doon nabunyag ang lihim ni Arkin tungkol sa kanyang tunay na pagkatao at estado sa buhay-na siya pala ang may-ari ng kompanyang kanilang pinagtatrabahuhan at nagmula sa isang mayamang pamilya sa Europa.
[Completed]
A hunk, handsome, womanizer Draco Scott na nawalan ng mahal sa buhay kaya dinadaan nalang sa pambabae at kasiyahan.
A workaholic Serenity Montefalcon na may mga misyon sa buhay.
Ang pagtatagpong nangyari sa loob lamang ng isang gabi na nagpabago sa takbo ng kanilang buhay.
Mahahanap ba ang salitang 'pag-ibig' sa isang taong nawalan at taong sumusubok na hanapin ang isang bagay?
[A/N: read first
' Searching for the groom's bride' ]