"...hindi mo dapat ipinagkakait sa sarili mo ang maging masaya. Hindi porque nasaktan ka ng isang beses, masasaktan ka na sa buong buhay mo." CHARM loves attention. Iyon ang dahilan kaya nakikipag-date sa mga lalaking may gusto sa kanya. Kaya lang, hinihiwalayan din niya ang mga ito kapag nagiging seryoso na ang mga ito sa kanya. Nawalan na nga din siya ng pakialam kahit na hindi maganda ang tingin sa kanya ng ibang tao. Hindi naman talaga siya kilala ng mga ito. Until Henry Anthony Mercado came in her life. Mabilis itong nakapasok sa buhay niya at habang lumilipas ang mga araw na nagkakasama sila, unti-unti ding napupunan ang pakiramdam ng kakulangan sa buhay niya. Hanggang maging sa puso niya ay nakapasok na din ito. Hindi na niya gusto ng atensiyon ng iba. Atensiyon lang ni Henry ay sapat na sa kanya. Ngunit isang araw ay bigla na lang itong umiwas sa kanya sa hindi niya malamang kadahilanan. Mananahimik na lang ba siya at maghihintay kung kailan siya muling kakausapin ng binata? Makukuntento na lang ba siya na magkaibigan lang sila kahit na nasasaktan siya?