Sa oras na sumapit ang alas-singko ng hapon, lahat ng mamamayan ng Manville ay kailangan nang magtago mula sa mga kakaibang nilalang na tumatahan sa buong lugar ng Devone. Walang ilaw ang maiiwang bukas sa bawat kabahayan, walang bintana o pinto ang maaaring nakakawang at walang Manvillian ang maaaring gumala sa mga daan. Dahil sa labis na pag-aalala sa nawawalang Ama, nilisan ni Samaira ang kanilang tahanan upang hanapin ito sa madilim na kagubatan, ngunit sa gitna ng kaniyang paghahanap, aksidente niyang napakinggan ang pagtatalo ng isang lycan at bampiraang anak ng Alpha na si Cyro at ang pamangkin ng pinuno ng grupo ng mga bampira na si Bri. Dito nag-umpisa ang kaniyang pagkadawit sa gulo ng dalawang magkaibang breed, ngunit habang palalim nang palalim ang koneksyon ni Samaira sa kanila ay siyang unti-unti namang paglinaw ng kaniyang nakaraan at natatagong sikreto. Ang dating mga taong pumoprotekta sa kaniya ay siya ring mga taong maghahangad siyang patayin. Sa banggaan ng dalawang pinakamalalakas na breed, sino ang makikinabang sa sumpang dala ni Samaira? Ang kapangyarihan ba ang mananaig o ang pag-ibig? Tuklasin ang kuwento ng tatlong magkakaibang mundo na tutuhugin ng isang sumpang babago sa kanilang pagkatao. FINALIZING UPDATED: 3/5/21 Date Started: January 2020 Date finished (Draft): February 2020 Date Posted: June 10, 2020 Date Finished (Final Draft): March 2021 Photo Credits ©Pixibay (The Photo may subject to copyright) Credits to the rightful owner. Book Cover made by CanvaAll Rights Reserved