Mataray, suplada, bully, at maarte. Ilan lamang iyan sa mga deskripsyon kay Juliana bilang isang Campus Queen Bee mula high school hanggang sa tumuntong siya sa college. Alam niyang may pagka magaspang ang kanyang ugali at inaamin niya iyon. Pero sabi nga sa isang kasabihan "don't judge the book by it's cover" kaya walang karapatan ang mga ito na husgahan siya base sa nakikita ng mga ito. Nagulo lamang ang kanyang mundo nang dumating sa buhay niya si Kier De Vega, ang pinsan ng lalaking itinatangi niya na si Phytos. Wala na itong ibang ginawa kundi buwisitin ang buong araw niya. Ngunit nang minsang malagay sa alanganin ang buhay niya ay ito mismo ang nag ligtas sa kanya. Simula noon ay nakilala niya ang tunay na pagkatao ng binata. Parang may magic na nangyayari upang mabaling dito ang kanyang atensyon. Hanggang sa nahulog na ang kanyang loob dito. Ngunit paano kung sa pagkakahulog niya ay hindi siya sinalo nito. Maniniwala pa ba siya sa magic ng pag ibig gaya ng sinabi nito kung ito mismo ang nagpatunay na hindi iyon totoo.
11 parts