"Ikaw at ako, hanggang sa huli."
Paano kung magtagpo ang landas ng mga taong sinasabing hindi para sa isa't-isa?
Isang lalaking mayaman, may itsura, magandang pag-uugali pero hindi pinapalad sa pag-ibig ang makakatagpo sa isang pambihirang babae.
Maganda, mayaman, halos meron na rin sya ng lahat ngunit uhaw sa pagmamahal ng isang pamilya. Sa kabila ng maliwanag nyang mata at ngiti ay ang mapait at madilim nyang pinagdadaanan.
Pinagtagpo ba sila dahil silay itinadhana o itinadhana para dumaan lamang sa buhay ng isa't-isa?
Sabi nga nila "kung kayo ay kayo talaga". Kahit gaano pa kayo pag hiwalayin ng mundo, ibabalik at ibabalik pa din kayo ng tadhana sa piling ng isa't-isa. Kahit gaano pa ito katagal, sa huli ay kayo pa din. Iyan ang mga bagay na natutunan ko dahil kay Lolo Gilbert.