"Ang hirap magmahal ng isang taong may masaklap na karanasan sa larangan ng pag-ibig. Di rin naman natin ma-uutusan yung ating puso na kung maari'y sa iba na lamang ito tumibok at magka-gusto. Ang akala ko'y simpleng pagka-gusto, tila umusbong at sumidhi pa nang hindi ko alam kung paano o kailan nagsimula. Ang alam ko sa sarili ko, simpleng paghanga lang ito na aking nararamdaman. Ngunit habang tumatagal, hindi ko na mawari kung paghanga lang ba talaga ito o ito na nga'y tinatawag nilang "pag-ibig"? Ang pagkakamali ko lang ay sa dami-rami ng maaaring kung magustuhan, doon pa talaga sa taong hindi pa tuluyang nakalaya mula sa isang bangungot ng nakaraan. Sobrang mahal niya siguro yung babae kaya hanggang kasalukuyan hindi pa niya magawang magmahal ng bago at palayain ang ala-ala nito mula sa nakaraan. Para saan pa't ipinanganak akong makulit? Kung hindi ko gagamitin para lang mapasa-akin ang isang masungit, 'di ba? Masaktan man ng ilang ulit, edi lalaban ulit." MsKOKO_01
5 parts