Namulat si Margarette sa munting pantasya na balang araw ay magkakaroon din siya ng "prince charming". At nakita niya iyon sa katauhan ni Jordan. Ngunit tila may kulang. At nang matuklasan niya ang panloloko nito ay lahat ng pantasya niya ay biglang naglaho sa pangalawang pagkakataon. Nang sa pakiramdam ni Margarette ay iniwan na siya ng lahat ay naroroon si Rod bilang sandalan niya. Sa unang pagkikita pa lamang nila ay may ibang nararamdaman na si Margarette na hindi niya maipaliwanag sa mismong sarili. Hanggang sa pangalawang pagkakataon ay muli siyang iibig. Ngunit ang tadhana ay sadyang mapaglaro dahil ang akalang lalaking babago ng pamantayan niya sa isang lalaki ay muli rin pala siyang sasaktan. Paano muli ibabangon ni Margarette ang puso na tila sinaksak ng paulit-ulit hanggang sa hindi na ito muling tumibok pa?
36 parts