Paano pag nagtagpo ang dalawang tao na may magkaibang buhay? Paano kung sa pagtatagpong iyon pala ang magiging simula ng makulay nilang kwento? At higit sa lahat, paano kung sa paglipas mg panahon ay matutunan nilang mahalin ang isa't-isa. Ang isa ay ipinanganak sa isang mayamang pamilya, lahat ng kaniyang ginagawa ay supurtado ng kaniyang mga magulang. Habang ang isa naman ay namulat sa kalupitan ng mundo. Lumaking walang kinikilalang ina, at kinakailangan pang kumayod para mabuhay at makapagtapos ng pag-aaral. Dalawang taong magkasalungat ang paningin sa buhay. Paano kung sa oras na inamin nila sa sarili nila na mahal ni ang isa't-isa saka pa nila napagtanto na di kailanman man magiging sila. Dahil sila ay parehong, LALAKI.