Si Jerome Angelo Mendoza ay isang freelance musician na napadpad sa matao at busy na Maginhawa. Kalimitan mo siyang makikita na pakalat-kalat sa mga bar at restaurant, umaasang may makukuha siyang kahit kapiranggot na pera lamang tuwing kakanta siya sa harapan ng maraming tao. Si Nathan James San Jose naman ay isang freshman Math major sa UP Diliman. Tuwing gabi ay may part-time job siya sa isang cafe sa Maginhawa upang matustusan ang renta ng kanyang condo unit na minana pa niya sa kanyang ama. Naging matalik na magkaibigan ang dalawa noong high school, ngunit nang dahil sa hindi maiiwasang buhos ng damdamin ay naudlot ang kanilang istorya. Simula noon ay hindi na sila nagkausap. Sa muling pagbabalik ni Jerome sa buhay ni Nathan, maaayos ba nila ang kanilang masalimuot na nakaraan, o hahayaan na lang ba nila na mapunta na lamang sa wala ang lahat ng kanilang pinagsamahan? Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. E-mail (for business purposes only): maginhawanightswp@gmail.com
162 parts